Patuloy na nagtitiwala at kontento sa trabaho ng Philippine National Police ang mayorya ng mga Pilipino ayon sa 2023 first-quarter survey ng independent group na OCTA Research.
Sa “Tugon ng Masa” survey na isinagawa mula March 24 hanggang 28 na nilahukan ng 1,200 adult respondents sa buong bansa, walo sa bawat sampung pilipino, o 80% ang patuloy na nagtitiwala sa PNP habang 5% ang walang tiwala at 15% ang nag-a-alinlangan.
79% naman o halos walo rin sa bawat sampung Pinoy ang kontento sa trabaho ng mga pulis habang 6% ang hindi kontento at 15% ang hindi sigurado kung kuntento sila o hindi. —sa panulat ni Lea Soriano