dzme1530.ph

8 priority measures, naipasa ng senado bago ang suspensyon ng sesyon

Ipinagmalaki ni Senate President Juan Miguel Zubiri na walong priority measures ng administrasyon ang kanila nang naipasa sa unang bahagi ng second regular session ng 19th Congress.

Kabilang sa mga priority bills at national’s bills na naipasa ng Senado sa nakalipas na 28 session days nila mula hulyo ang:

-Internet transactions bill

-Lgu income classification bill

– Trabaho para sa bayan bill, na naisabatas na

– new Philippine passport bill

– Salt industry revitalization bill

-Panukalang pagpapalawak ng benepisyo ng mga pinoy centenarian

-Mental health bill at

– Caregivers bill

Sa huling araw ng sesyon ay naaprubahan na rin ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang magna carta of seafarers bill na may urgent bill certification mula sa Malakanyang.

Naratipikahan na rin ang dalawa sa mga priority measures na ease of paying taxes bill at public -private partnership bill.

Samantala, ipinaalala ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na may umiiral silang senate resolution na maaaring magsagawa ng mga pagdinig ang mga senate committee habang naka break ang Senado.

Magbabalik sesyon ang mataas na kapulungan sa November 6. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author