dzme1530.ph

8-point health action agenda 2023-2028, inaprubahan ng Pangulo

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 8-point health action agenda 2023-2028 ng Dep’t of Health.

Ito ay sa ika-12 meeting ng National Economic and Development Authority (NEDA) board na pinamumunuan ng Pangulo.

Ayon kay Marcos, sa ilalim nito ay palalakasin ang access at kalidad ng healthcare para sa lahat.

Sinabi naman ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na ang health action agenda ay naglalaman ng mga istratehiya para sa kalusugan ng bawat Pilipino, mga komunidad, at maging ang health workers at mga institusyon.

Magsisilbing gabay nito ang mga leksyong itinuro ng pandemya para sa pagpapaganda ng health system, at gayundin ang pagpapatupad ng Mandanas-Garcia ruling sa mga lokal na pamahalaan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author