dzme1530.ph

8 lugar sa bansa, nagpositibo sa toxic red tide

Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang walong lugar sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR).

Kabilang dito ang Dumanquillas Bay at Lianga Bay sa Surigao del Sur; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; baybayin ng San Benito sa Surigao del Norte at Milagros sa Masbate; San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Dahil dito, nagbabala ang BFAR sa publiko na hindi ligtas kainin ang anumang uri ng shellfish at alamang na mahahango sa nasabing mga lugar.

Subalit, maaari namang ikonsumo ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t ito ay huhugasan at lulutuin nang mabuti. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author