dzme1530.ph

8 domestic flights ng CebGo at CebuPac kanselado dahil sa epekto ng bagyong Aghon

Dahil pa rin sa epekto ng bagyong Aghon, kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw, May 27.

Sinuspinde ng CebGo ang dalawang flight nito na biyaheng Manila – San Jose- Manila ang (DG 6031 at 6032).

Gayun din ang apat nitong flight mula Manila –Naga- Manila (DG 6113/6114), (DG 6117/6118).

Habang dalawa naman ang kanselado sa Cebu Pacific kabilang ang flight mula Manila – Virac – Manila, (5j 821 at 5j 822).

Tiniyak naman ng mga itong naabisuhan ng maaga ang mga apektadong pasahero upang maiwasan ang abala.

About The Author