dzme1530.ph

8 Domestic flight ng PAL mula at patungong Cotabato, kinansela

Inihayag ng Philippine Airlines na kanselado ang kanilang Flight PR-2959 at PR-2960 mula Manila to Cotabato at pabalik ng Manila simula ngayong araw.

Habang sa July 11 dalawang Domestic flight din ang kanselado kabilang ang Flight PR-2957 at PR-2958 mula Manila to Cotabato at pabalik ng Manila.

Ganun din ang biyahe ng Lunes at Huwebes na may Flight PR-2223 at PR-2234 mula Cebu to Cotabato at pabalik ng Cebu.

Kanselado din ang dalawang flight nito ng Lunes at Huwebes itong Flight PR-2487 at PR-2488 mula Cotabato to Tawi-tawi at pabalik ng Cotabato.

Ang mga naturang kanselasyon ay may kaugnayan sa inilabas na NOTAM ng CAAP kaugnay ng limitasyon nito sa take off at landing ng mga eroplano bunsod ng ginagawang pagkukumpuni ng dalawang runway ng Cotabato Airport. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author