dzme1530.ph

75 mag-aaral sa elementarya, na-ospital dahil sa nalanghap na insectide sa Maguindanao del Norte

75 mag-aaral sa elementarya sa bayan ng Upi sa Maguindanao del Norte ang isinugod sa ospital matapos makaranas ng pananakit ng tiyan at pagkahilo.

Sinabi ni Upi Mayor Rona Piang-Flores na naka-confine ang mga estudyante ng Mirab Elementary School sa barangay Mirab sa Datu Blah Sinsuat District Hospital sa Barangay Poblacion.

Aniya, karamihan sa mga bata ay nasa maayos nang kondisyon subalit under observation pa rin sa ospital.

Sa report mula sa Municipal Health Office, posibleng na-expose ang mga mag-aaral sa insectide na ini-spray ng mga magsasaka sa niyugan sa likod ng paaralan.

About The Author