dzme1530.ph

75 bagong tauhan, nagtapos sa ilalim ng akademya ng BI at PIA pormal na kinilala

Nanguna sa panauhing pagdangal at tagapagsalita si Justice sec. Jesus Crispin Remulla, sa isang seremonya ng pagtatapos ng mga bagong batch ng mga Immigration officers sa ilalim ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine Immigration Academy (PIA).

Nagpasalamat si SOJ Remulla sa opportunity para sa pag-address, ng talumpati at pagkilala sa mga tauhan ng BI bilang sundalo at mandirigma sa panahon ng terorismo at iba pang krimen na tumatawid sa mga hangganan ng walang limitasyon na naatasan para limitahan sa paggalaw ng mga taong hindi gagawa ng kabutihan sa ating bansa.

Ang 75 bagong tauhan ay pormal na kinilala sa graduation ceremony sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ang mga bagong nagtapos ay binubuo ng 22 babae at 53 lalaki.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang 75 ay sumailalim sa isang bagong fast-tracked course na naglalayong magbigay ng “maikli at maigsi na karanasan sa pag-aaral” para sa mga bagong IO na magsisilbing frontliners sa mga pangunahing paliparan sa bansa.

Kasama rin ang lahat ng mga opisyal ng imigration sa pagsasanay sa ilalim ng BI-PIA sa mga batas, tuntunin, at pamamaraan ng imigrasyon na handang i-deploy kaagad pagkatapos ng kurso.

Ang akademya ay matatagpuan sa Clark, Pampanga, ngunit ang mga bagong opisyal ay sinanay sa loob ng NAIA upang magbigay ng mas holistic, on-the-ground na pagsasanay.

Tiniyak din ni Tansingco na kasama ang soft skills bilang bahagi ng pagsasanay, upang mapabuti ang paraan ng pagsasagawa ng mga tungkulin ng mga Immigration officers.

Ani pa Tansingco, tutugon sa mga karagdagang tauhan ang pangangailangan ng manpower sa mga paliparan at iba’t ibang tanggapan ng BI.

Ang 75 opisyal ay maidaragdag sa halos 1,000 tauhan na naka-deploy naman sa iba’t ibang mga internasyonal na paliparan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author