dzme1530.ph

73-anyos na babaeng tumalon sa riles ng tren sa MRT-3 Quezon Ave. Station, binawian na ng buhay

Pumanaw na ang 73-anyos na babaeng tumalon kahapon ng tanghali sa riles ng tren sa MRT-3 Quezon Avenue Station Southbound.

Matatandaang pasado alas-12 ng tanghali nang tumalon sa riles ang biktima at naipit ng paparating na tren.

Naging pahirapan din ang pag-rescue sa matandang babae at nagdulot pa pagkakaantala sa operasyon ng MRT3.

Ala-1 pasado na ng makuha mula sa pagkakaipit ang biktima at naisugod sa ospital.

Ayon sa ulat dakong 2:20 ng hapon nang ideklarang patay ang biktima.  —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author