dzme1530.ph

7 suspek, arestado sa pagbebenta ng e-wallet accounts sa mga scammer

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong suspects dahil sa pagbebenta umano ng verified e-wallet accounts sa mga scammer.

Isinagawa ng NBI Cybercrime Division ang entrapment operation sa isang restaurant sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, sa Quezon City.

Nakumpiska ng mga otoridad ang mga SIM card na naka-rehistro sa e-wallets.

Sinabi ni NBI-CCD Chief, Atty. JEREMY Lotoc, na maaring pinapa-rentahan o ibinibenta ng mga suspek ang mga sim na maaring gamitin sa anumang online activity, gaya ng pang-i-scam. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author