dzme1530.ph

7 kuponan, umabante na sa second elimination round ng 2023 FIBA World Cup

Umabante na sa second elimination round ang pitong kuponan sa nagpapatuloy na FIBA World Cup 2023.

Sa kasalukuyang standing, pasok na sa ikalawang round ang mga team ng Canada, Germany, Latvia, Lithuania, Montenegro, U.S.A at Spain, na una nang kumamada ng mga panalo.

Kabilang naman sa mga na-eliminate ang mga bansang France, Finland, Lebanon, Egypt, Iran, Jordan at Mexico.

Samantala, abangan ang laban ng Gilas Pilipinas kontra Italy, mamayang alas-8 ng gabi. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author