dzme1530.ph

7 katao patay, mahigit 1K iba pa lumikas dahil sa malakas na pag-ulan sa South Korea

Nasawi ang pitong katao habang tatlong iba pa ang nawawala dahil sa landslide at pag-apaw ng isang dam bunsod ng malakas na pag-ulan sa South Korea.

Ayon sa Ministry of Interior and Safety, pumalo sa 1,567 na indibidwal ang inilikas sa North Chungcheong kasunod nang pag-apaw ng Goesan dam.

Samantala, sinabi ng Korea Railroad Corp. na ma-aantala ang operasyon o biyahe ng mga tren bunsod ng pagguho ng lupa at pagbaha sa naturang lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author