dzme1530.ph

7 Chinese national na nasagip ng PCG sa Eastern Samar, mga wanted person!

Itinuring na wanted person ang 7 Chinese na sakay ng isang barkong pangisda, na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa probinsiya ng Eastern Samar noong Enero a-9 2023.

Ayon kay Rear Admiral Commodore Arman Balilo, Spokesperson ng PCG, hindi mga pawang mangingisda ang sakay ng MV KAY 899 kung hindi mga wanted kriminal sa bansang China.

Giit pa ni Balilo, na nasa Tacloban, Leyte ngayon ang ilang mga kinatawan ng Chinese Embassy at Bureau of Immigration (BI), para sa gagawing subject deportation at turn over procedure ng PCG.

Ani Balilo, posibleng intensiyon talaga ng 7 Chinese na tumakas at umasang makalulusot sila ng basta-basta sa Pilipinas.

Wala rin aniyang naipakitang kahit na anong dokumento o certificate na galing sa kanilang bansa ang mga nasagip na tsino, kna ikinapagduda ng PCG, kung kaya’t nakipag-ugnayan ang mga ito sa Embassy ng China kung saan napag-alaman na may mga nagawa itong krimen sa kanilang bansa.

 

About The Author