dzme1530.ph

7 buwang gulang na sanggol na ibinenta sa online sa halagang ₱35-K, nasagip

Nasagip ng mga awtoridad sa Rodriguez, Rizal ang pitong buwang gulang na sanggol na ibinenta sa social media sa halagang ₱35-K.

Ayon sa pulisya, ibinenta ng suspek ang baby sa isang undercover agent sa pamamagitan ng legal adoption chat group.

Sa naturang operasyon ay nadakip din ang 29-anyos na suspek.

Sinabi ni National Authority for Child Care (NACC) Usec. Janella Estrada, na hindi katanggap-tanggap at nakababahala ang online baby selling dahil walang katiyakan na mapupunta ang bata sa mabuting kamay, lalo na sa panahong seryosong usapin ang online child abuse, trafficking in person, organ donation, at iba pang uri ng exploitations.

Simula Mayo ngayong taon, nakasagip na ang mga awtoridad ng anim na mga bata at dahil sa pinaigting na surveillance ay 14 na facebook groups at accounts na sangkot sa iligal na pagbebenta ng mga sanggol at illegal adoption ang isinara. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author