Pitong armadong kalalakihan ang patay makaraang makipagbakbakan sa mga otoridad, sa Maguindanao del Sur.
Ang pito ay sangkot umano sa pambobomba sa power line ng National Power Grid Corporation of the Philippines noong 2016 sa Carmen, Cotabato at sa pag-atake sa Datu Paglas Public Market noong May 2021.
Ayon kay Brig. Gen. Allan Nobleza, Police Regional Director ng Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao, isisilbi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrants of arrest laban sa mga suspek nang manlaban ang mga ito at nagkaroon ng palitan ng mga putok na tumagal ng dalawang oras.
Isang Police Corporal naman ang nasugatan sa naturang sagupaan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News