dzme1530.ph

6th batch ng OFW mula Sudan dumating sa bansa

Karagdagang 17 Pinoy repatriated mula Port of Sudan ang dumating via Jeddah lulan ng flight SV870 na lumapag sa Ninoy Aquino international Airport NAIA terminal 1.

Ito na ang ika-anim na batch ng mga OFW ang nakauwi na ng bansa mula Sudan.

Kasama sa mga sumalubong sina DMW Asec. Venecio Legaspi, OWWA Deputy Administrator Mary Melanie Quino, kasama ang mga kawani ng DFA, DMW at OWWA Airport Team.

Silay pinagkalooban ng food at transportation assistance, hotel accommodation at financial assistance mula sa pamahalaan.

Inaasahan din ang 76 na mga Pinoy repatriated ang dadating mamayang hapon sa NAIA mula pa rin sa bansa ng Sudan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author