dzme1530.ph

600K na unclaimed license plates, nadiskubre sa Central Visayas

600,000 unclaimed license plates ang nadiskubre ng bagong talagang hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa isang impounding facility sa Cebu.

Nadiskubre ni Transportation Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang mga nakatambak na plaka sa pagbisita niya sa Talisay City, kahapon.

Aminado ang LTO Chief na mayroong mga problema sa ahensya, gaya ng website, kung saan maari silang mag-upload ng mga impormasyon.

As of June 2023, mayroong kabuuang 71,564 unclaimed motor vehicle plates at 528,772 motorcycle plates sa Central Visayas.

Ilan sa mga naturang plaka ay noong pa umanong 2018 nasa impounding facility.

Tiniyak naman ni Mendoza na nakikipag-ugnayan na ang LTO sa vehicle at motorcycle dealers upang mapabilis ang pagre-release ng mga plaka. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author