dzme1530.ph

600 kilo ng smuggled na mga karne, kinumpiska sa Parañaque

Kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga karne na nagkakahalaga ng P250,000 na hinihinalang smuggled o ipinuslit papasok sa bansa mula sa China.

Nasa 600 kilo ng karne ng manok, itik, at baboy ang nasamsam ng mga tauhan ng NMIS nang salakayin ang apat na tindahan sa Parañaque City.

Nadiskubre na peke ang Meat Inspection Certificates ng mga naturang tindahan, na ang ibig sabihin ay hindi tiyak kung ligtas kainin ang mga produkto.

Binigyang diin ng ahensya na mahalagang inspeksyunin ang imported meat upang maiwasan ang pagpasok ng mga sakit sa bansa gaya ng Bird flu at African Swine Fever. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author