dzme1530.ph

6 sakay ng bumagsak na Cessna plane sa Isabela, hindi nakaligtas

Patay ang lahat ng anim katao na lulan ng Cessna plane na bumagsak sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Atty. Constante Foronda, Head ng Isabela Incident Management Team, nakumpirma nila ito makaraang matagpuan ang wreckage ng eroplano, kahapon, matapos ang mahigit isang buwan na search operations.

Tiniyak ni Foronda na agad nilang ibababa ang labi ng mga pasahero sa sandaling makakuha ng clearance mula sa mga crime laboratory at scene of the crime operatives.

Samantala, sinabi naman ni Engr. Ezikiel Chavez ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office ng Divilacan, Isabela na nagkalat ang mga bahagi ng eroplano sa lugar nang pinagbagsakan nito at may mga damit na nakasabit sa mga puno.

Isa aniya sa mga natagpuang katawan ay walang ulo.

Sa pagtaya ni Foronda, inaasahang marerekober ang bangkay ng mga biktima sa loob ng tatlong araw.

Nananatili aniyang hamon sa retrieval team ang terrain at lagay ng panahon.

January 24 nang mag-take off sa Cauayan Airport ang Cessna plane subalit makalipas ang ilang minuto ay hindi na ito nakontak ng Air Control Center.

About The Author