dzme1530.ph

6% na growth target ng Pilipinas ngayong taon, posibleng maabot, ayon sa isang grupo

Posible pa ring maabot ng Pilipinas ang 6% growth target ngayong taon at sa 2024, ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Sa kabila ito ng mababang pagtaya ng ilang ekonomista matapos ang mabagal na paglobo ng Gross Domestic Product noong second quarter ng 2023, at mga alalahanin kaugnay sa inflation na naka-apekto sa consumer spending.

Base sa pagtaya ng grupo, sinabi ni President Sergio Ortiz-Luis na posibleng maabot ang 6% GDP, at maaari rin na mas mababa ito.

Kung hindi man aniya kaya ngayong taon ay posible ito sa medium-term o sa susunod na taon.

Una nang tinaya ng Development Budget Coordination Committee sa 6.5% hanggang 8% ang growth target para sa taong 2024 hanggang 2028. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author