dzme1530.ph

6 dayuhan, gumamit ng pekeng birth certificates, ayon sa PSA

Anim na dayuhan ang kumpirmadong gumamit ng pekeng birth certificates upang makakuha ng Philippine passports, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sinabi ni PSA Assistant National Statistician Marizza Grande na hawak nila ang impormasyon ng pitong umano’y foreigners hinggil sa isinumite nitong birth certificates, kung saan anim dito ang tampered o fake na nakarehistro sa Civil Registry Office at ang isa ay authentic.

Sa ngayon, nakikpag-ugnayan ang PSA sa Dept. of Foreign Affairs upang matukoy kung saan nakakuha ng dokumento ang nasabing mga dayuhan.

Matatandaang ikinaalarma ng mga senador sa plenary debate ang pagpasok sa bansa ng mga foreigner na mayroong pekeng birth certificates at iba pang PSA documents na ginamit sa pagkuha ng Philippine passport. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author