dzme1530.ph

5K special permits para sa TNVS, hindi sapat para sa holiday rush —LTFRB

Loading

Inamin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaring hindi sapat ang 5,000 special permits para sa karagdagang ride-hailing services upang matugunan ang tumaas na demand sa transportasyon ngayong holiday rush.

Una nang inaprubahan ng LTFRB ang limanlibong slots para sa transport network vehicle services (TNVs) bilang bahagi ng hakbang para matugunan ang pagdagsa ng mga commuter sa Christmas season.

Gayunman, sa kabila nito ay nagrereklamo pa rin ang mga pasahero dahil nahihirapan silang mag-book, bunsod ng kakulangan ng mga sasakyan.

Paliwanag ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, hindi naman aniya sabay-sabay buma-biyahe ang limanlibong TNVs na kanilang inaprubahan, dahil karamihan sa mga ito ay part-timers lamang.

Dahil dito, hinihikayat ng ahensya ang mga TNVs na habaan ang kanilang mga biyahe, gayundin sa mga regular taxi na dagdagan ang kanilang operating hours para ma-accommodate ang mga pasahero. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author