dzme1530.ph

5K pesos Philhealth dialysis benefit package, posible –Rep. Erwin Tulfo

Pag-aaralan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang panukala na doblehin ang benefit package para sa hemodialysis mula sa P2,600 ay gagawing P5,200 per session.

Sa isang press conference sa Batasang Pambansa, sinabi ni ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo na inatasan siya ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez bago magtungo sa State Visit kasama ang Pangulo na makipag-ugnayan at kausapin ang PhilHealth. 

Matapos ang pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Philhealth, naniniwala si Tulfo na “doable” o kayang isakatuparan ang pag doble sa hemodialysis coverage ng Philhealth.

Magiging good news ito ayon kay Tulfo para sa mga dialysis patients dahil 156 sessions ang sasagutin ng Philhealth sa loob ng isang taon o katumbas ng 3-times a week dialysis session.


Iniulat din ni Tulfo na kasama na ang Mammogram at Ultrasound sa Konsulta Packages Program ng PhilHealth nationwide simula pa noong Mayo 15.

About The Author