Nasa 5K pamilya na naninirahan sa kahabaan ng Pasig River ang ire-relocate bunsod ng rehabilitation project sa ilog.
Ang sampung metrong easement ay ilalagay sa kahabaan ng Pasig River Tributaries bilang bahagi ng Pasig River Urban Development Project.
Sa bahagi ng San Juan River, ang easement ay magbibigay daan sa paglikha ng linear park na mayroong iba’t ibang pasilidad.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, maglalagay sila ng maraming greeneries, material recovery facility, at sewerage treatment plant sa tulong ng DENR, pati na jogging path, walkway at bikeway.
Tiniyak naman ng gobyerno na makatatanggap ng libreng pabahay ang mga pamilyang nakatira sa kahabaan ng ilog na masasagasaan ng naturang rehabilitasyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera