Lumalabas sa isang pag-aral na pinakahirap makatulog ang mga Pilipino kumpara sa ibang taga-Southeast Asia.
Sa pag-aaral na isinagawa ng Milieu Insight sa 3,000 respondent mula sa Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, Vietnam, at Pilipinas, 56% ng mga Pinoy ang hirap makatulog o laging puyat.
Sinundan ito ng Thailand na may 49%, habang pumangatlo sa pwesto ang Indonesia na may 44%.
Nakakuha naman ng 43% ang Vietnam, Singapore na may 42%, at Myanmar na may 39%.
Lumalabas din sa pagsusuri na 59% ng populasyon sa Southeast Asia ang nakatutulog lamang nang mas mababa sa pitong oras.
Samantala, sinabi ni Sleep Specialist Dr. Christine Celine Tan na maraming epekto sa kalusugan ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog, kung kaya’t dapat iwasan ang anumang bagay na maka-aabala sa pagpapahinga gaya ng paggamt ng cellphone at panunuod ng TV. —sa panulat ni Airiam Sancho