dzme1530.ph

52% ng Pinoy Gen Z’s gustong magtrabaho abroad

Mayorya o 52% ng Pinoy Gen Z’s ang gustong iwan ang Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa, ayon sa PhilCare, isang health insurance provider.

Batay sa isinagawang pag-aaral ng PhilCare, ang mga Pilipinong pinanganak ng 1997 hanggang 2015 ay mga indibidwal na nag-nanais makaranas ng bagong kultura at personal growth para mahasa ang kanilang kakayahan sa mundo ng trabaho.

Ayon kay Rainier Ladic, Clinical Psychologist, mayroong economic reasons kung bakit pinipili ng Gen Z’s na magtrabaho-abroad, isa na rito ang mas mataas na sahod.

Nakadagdag din aniya sa mga dahilan ang pagiging digital native o pamilyar sa digital technologies ng mga ito dahil lumaki sila sa panahon ng social media at smartphones.

Lumabas din sa pag-aaral na maraming Gen Z ang mas gustong magtrabaho independently o mag-isa.

Dito ipinaliwanag ni Ladic, na ito’y paraan ng post-millenials para ma-maximize ang kanilang kalayaan, malayo sa pressure na kanilang nararanasan tuwing sila’y gumagawa ng group tasks.

About The Author