dzme1530.ph

511 rockfall events naitala sa bulkang Mayon, hazardous eruption posible pa rin —PHIVOLCS

Loading

Nananatiling nasa Alert level 3 o mataas na aktibidad ang bulkang Mayon.

Batay sa datos na inilabas ng PHIVOLCS, nakapagtala ito ng 3 volcanic earthquakes, 511 rockfall events at 38 dome-collapse pyroclastic density current events.

Nakapagtala rin ng 721 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan kahapon at nagbuga ng 800 metrong taas ng plume.

Patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava sa Mi-isi gully na may haba na 2.8kilometers at Bonga gully na mayroon namang 1.4 kilometers na haba at pagguho ng lava sa Basud gully.

Babala ng PHIVOLCS, posible pa ring magkaroon ng hazardous eruption ang bulkang Mayon sa loob ng ilang linggo o ilang araw.

About The Author