dzme1530.ph

50k miyembro ng LGBTQIA+ community, supporters, lalahok sa Pride Festival sa June 24

Kasado na sa Hunyo 24 ang Pride Festival na gaganapin sa Quezon Memorial Circle.

Ito ang inanunsyo nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Q.C. District 6 Councilor Maria Eleonor Juan, at Mela Habijan ng Pride PH.

Sa tantiya ng QC LGU, posibleng umabot sa 50,000 miyembro ng LGBTQIA+ Community at Supporters ang lalahok sa naturang event.

Ayon sa Pride PH, mahahati ang event sa tatlong bahagi; ang Pride Expo, Pride March at Pride Night.

Magsisimula aniya ang Pride Festival ng alas-10 ng umaga upang magbigay daan sa mga merchant, mga kasosyo sa NGO, at mga partner corporation na gustong ipakita ang kanilang produkto.

Tiniyak naman ng Quezon City LGU ang kaligtasan at seguridad ng mga dadalo sa pagdiriwang ng Pride Month. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author