Nagsimula na ang 500 days countdown para sa 2024 Paris Olympics na gaganapin sa France sa darating na Hulyo ng susunod na taon.
Mismong si French President Emmanuel Macron ang nanguna sa paglulunsad ng naturang countdown kung saan ay tiniyak nito na ito ang magiging isa sa mga hindi makakalimutang sporting events lalo pa at sila ang host.
Bukod sa iba’t ibang paghahanda na kanilang ginagawa, ipinagmalaki rin nito ang malapit nang matapos linisin na River Seine na tinaguriang “Most Romantic River” sa buong mundo kung saan plano nilang gawin ang ilang olympic events gaya ng 10 kilometers swimming marathon na nagawa na noon pang 1900.
Aabot sa 1.4 billion euro o katumbas ng mahigit P82.5-B ang gagamiting pondo para sa nasabing sporting event ayon sa pangulo.