dzme1530.ph

50 pinoy, nailikas mula Sudan

Kinumpirma ni Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza na nasa 50 Pilipino ang umalis na mula Khartoum, Sudan papuntang Cairo.

Ang mga naturang Pinoy ay bahagi ng unang batch ng nakatakdang repatriation, sakaling available na anya ang commercial flight mula Cairo.

Sa datos ng Philippine Embassy sa Cairo, ayon kay Daza aabot sa 740 kabuuan na mga Filipino mula sa Sudan ang nakapag-parehistro.

350 sa mga ito ang humiling na sumama sa repatriation ng pamahalaan pabalik ng Pilipilipas. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author