Mahigit limangpung mga Filipino Evacuees ang kasalukuyang nanunuluyan sa isang shelter sa Ankara, Turkey matapos ang Magnitude 7.8 na lindol noong nakaraang linggo.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose De Vega na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Turkey sa 248 mga Pinoy sa naturang bansa na makatatanggap ng financial assistance mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Nilinaw ni De Vega na hindi lahat ng naturang Filipino ay overseas workers dahil ang iba sa kanila ay mga Turkish residents.
Inihayag din ng DFA official na nailibing na ang isa sa dalawang Filipino na nasawi sa lindol, alinsunod sa kahilingan ng asawa nito habang ang isa pa ay iuuwi sa Pilipinas.
Idinagdag nito na tutulungan din ng ahensya ang mga apektadong Pinoy na nais umuwi ng bansa.