50% ng mga Pilipino ang tiwalang lalago ang ekonomiya sa susunod na anim na buwan habang 40% naman ang naniniwala na walang magiging pagbabago, batay sa resulta ng Tugon ng Masa Survey na isinagawa ng OCTA Research noong March 24 hanggang 28, 2023.
Ang 50% ng mga Pinoy na tiwalang gaganda ang ekonomiya ay mas mataas kumpara sa 46% na naitala noong October 2022.
Samantala, 6% naman ng respondents ang nagsabing lalala pa kumpara sa kasalukuyan ang lagay ng ekonomiya sa susunod na anim na buwan, mas mababa mula sa 10% na naitala sa nakalipas na survey noong Oktubre ng nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano