dzme1530.ph

5 programa ng DOLE, exempted na rin sa election ban

Pinayagan na rin ng Commission on Election ang hiling ng Dept. of Labor and Employment na ma-exempt ang kanilang mga programa sa election ban kaugnay sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kabilang dito ang Special Program for Employment of students na may mahigit 34,000 benepisyaryo; Government Internship Program na may halos 31,000 benepisyaryo; Jobstart Philippines Program na may mahigit 600 benepisyaryo.

Kasama rin ang DOLE Integrated Livelihood Program o Kabuhayan Program na may halos 50,000 benepisyaryo; at tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers program (TUPAD) na may mahigit isang milyong benepisyaryo.

Samantala, tiniyak ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na maipamamahagi ang pampublikong pondo sa target beneficiaries, at hindi gagamitin para makibahagi sa partisan political activities para sa 2023 Barangay at SK Elections.

About The Author