dzme1530.ph

PNP, walang nakitang listahan na nag-uugnay kay Pangulong Marcos sa iligal na droga

Walang nakitang anumang dokumento o listahan ang PNP na nagsasaad ng pagkakaugnay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iligal na droga.

Pahayag ito ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, matapos akusahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Marcos na drug addict at kasama sa drug watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Gayunman, itinanggi ni PDEA Chief of Staff and Spokesperson Derrick Carreon ang paratang ng dating pangulo, sa pagsasabing kailanman ay hindi napabilang si Marcos sa kanilang drug watch list. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author