dzme1530.ph

5 Pinoy, kabilang sa 39 na nasawi sa paglubog ng fishing vessel sa Indian Ocean —PCG

Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Coast Guard sa mga pamilya ng limang Pilipinong tripulante na kabilang sa 39 na nasawi mula sa lumubog na Chinese fishing vessel noong nakaraang linggo sa Indian Ocean.

Ayon sa PCG, nakumpirma nila ang impormasyon sa report ni Chinese Transport Minister Li Xiaopeng, kung saan inihayag nito na walang nakaligtas sa paglubog ng barko.

May 16, nang tumaob ang Chinese vessel na may sakay na 17 tripulanteng Tsino, 17 Indonesians, at 5 Pinoy.

Una nang iniulat ng Chinese state media na 7 bangkay ang narekober ng Chinese at Sri Lankan rescue vessels, subalit hindi tinukoy ang nationalities ng mga biktima. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author