dzme1530.ph

5 iba pang personalidad na nauugnay sa kaso ng Degamo slay, sinampahan na rin ng kaso

Kinasuhan din ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lima pang personalidad na di umano’y dawit sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Inihain ng NBI ang reklamong murder sa Department of Justice laban kina Angelo V. Palagtiw, Neil Andrew Go, Capt. Lloyd Cruz Garcia, Nigel Electona, at isang alyas “Gee-Ann/ Jie-An,” na pinaniniwalang kapatid ni Palagtiw.

Nahaharap ang mga akusado sa 10 counts ng Murder, 14 counts ng Frustrated Murder at 4 counts ng Attempted Murder.

Sakaling magkaroon ng DOJ panel, ito ang tututok, mag-aanalisa at maglalabas ng resolusyon kung ibabasura ang kaso o iaakyat sa korte.

About The Author