dzme1530.ph

5 dayuhan na illegal na naninirahan sa Palawan, inaresto

Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Bureau of Immigration (BI) ang limang dayuhan na illegal na nagtratrabaho sa Palawan.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga Chinese na sina Lin Yongzhen, 45 at Zhang Haicong, 49, ay nadakip ng BI sa brgy. Bucana, El Nido, Palawan.

Sa Brgy. Liminangcong, Taytay, Palawan nahuli ang 33-anyos na Chinese na si Zhang Haicong at ang 58-anyos na Taiwanese na si Lin Tsung-Te.

Sa Brgy. Tagburos, Puerto Princesa naman nadampot si Zhang Jinfei, 47-anyos.

Nabatid kay Commissioner Tansingco na ang limang dayuhan ay nagtratrabaho sa palaisdaan malapit sa All 5 Naval Bases at sila ay sinasabing konektado sa Palawan-based organized Chinese crime group.

Sangkot aniya, sa mga illigal na aktibidad kabilang ang wildlife trade, pagtulong sa illegal entry sa Pilipinas ng mga undocumented Chinese at pag-aalaga sa mga ito, pamimili ng lupa gamit ang Filipíno bilang proxies, at pagkuha ng mga ng Philippine identification documents.

Katuwang ng BI sa pagdakip sa limang illegal na dayuhan ang Government Intelligence Units, Armed Forces of the Philippines at National Bureau of Investigation.

Nasa pasilidad na nang BI sa Bicutan, Taguig ang lima habang sinasalang sila sa deportation proceedings. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author