dzme1530.ph

5 construction workers, patay sa pagbagsak ng ginagawang tulay sa Davao City

Patay ang limang construction workers habang dalawa ang sugatan sa pagguho ng ginagawang tulay sa Marilog District sa Davao City.

Ayon sa Davao City Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang boom truck operator, isang foreman, isang laborer, at dalawang mason.

Naglalagay umano ng side panel ang 10 construction workers sa pamamagitan ng boom truck na nasa gitna ng tulay sa Barangay Malamba, nang bigla itong bumagsak.

Nahulog ang bahagi ng tulay sa ilog mula sa taas na nasa 60 talampakan at nadaganan ang pitong manggagawa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author