dzme1530.ph

4th batch na Filipino repatriated mula Sudan dumating na sa bansa

Aabot sa 34 na Pinoy repatriated ang dumating na sa bansa kagabi mula Sudan.

Ang nasabing bilang ay lumikas mula Sudan via Jeddah Saudi Arabia lulan ng flight SV870 na lumapag sa NAIA Terminal 1.

Ayon sa DFA, ito na ang pang-4 na batch na mga Filipino na naiuwi ng pamahalaan mula sa magulong bansang Sudan.

Sinalubong ang grupo ng iba’t ibang ahensya tulad ng DFA, DMW, at OWWA kung saan sila pinagkalooban ng tulong financial.

Samantala, inirekomenda ng Pamahalaan ng Pilipinas na ang mga Pilipinong nagnanais na lumikas sa bansa ay tumuloy sa Port Sudan.

Ayon pa sa DFA, dapat nilang isumite ang kanilang mga pangalan at kopya ng mga pasaporte sa Philippine Consulate General sa Jeddah sa pamamagitan ng email: [email protected] o WhatsApp: (+966) 562437763 o (+966) 56 079 4292. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author