Nananatili pa rin sa mataas na puwesto ang Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino (4PS) party-list sa pinakahuling survey ng OCTA Research.
Sa January 25 to 31, 2025 Tugon ng Masa survey, na nilahukan ng 1,200 adult respondents, pumangalawa ang 4PS party-list, na nakakuha ng 5.62% votes.
Naiulat naman bilang top party-list ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) na may 6.46% votes.
Habang nakuha naman ng Duterte Youth party-list ang ikatlong puwesto na may 3.95% vote.
Sinabi ng OCTA na batay sa resulta ng kanilang pag-aaral, 15 party-list group ang tiyak magkaroon ng kahit isang puwesto o “one seat” sa mababang kapulungan kung ang Halalan sa Mayo 2025 ay ginanap sa panahon na isinagawa ang survey.
Kabilang anila rito ay ang FPJ Panday Bayanihan; Tingog; Uswag Ilonggo; GP o Galing sa Puso; Ako Bicol; Abang Lingkod; 4K; Senior Citizens; AGAP; Agimat; Malasakit@Bayanihan; at PPP partylist.