Muling napabilang sa Top-3 ang 4PS Party-list sa listahan ng mga botante sa May 12.
Sa March 18 to 24 face-to-face survey ng OCTA Research, nakapagtala ang 4PS ng 5.4%, sapat na para makasiguro ng tatlong kinatawan sa papasok na 20th Congress.
Kasama ng 4PS sa top choice ng botante, ang ACT-CIS, 8.7%; Tingog, 5.77%; at ang Ako Bicol na may 4.2%.
Silang apat, base sa nakuhang percentage ay nakasisiguro na ng tig-tatlong kinatawan alinsunod sa tinatahdaha ng RA 7491 o Party-list Law.
Sa mas naunang survey ng Pulse Asia, Top-4 din ang 4PS party list na nakapagtala ng 4.59%.
Sa kabuuhan, may 156 party list groups ang kasali sa 2025 midterm elections na nakatakda sa May 12.