Nanguna ang Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayan Pilipino (4PS) sa party-list preference para sa May 2025 elections, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa March 15 to 20, 2025 survey na kinomisyon ng Stratbase Consultancy, nakakuha ng 10.44% intended votes ang 4PS party-list.
Inaasahang makakuha ng tatlong upuan sa Kongreso ang grupo sa 2025 election, na kasalukuyang mayroong two seats sa Kamara.
Sinundan ito ng Duterte Youth na nasa Top 2 spot sa pagkakaroon 8.42% votes, 5.29% sa ACT-CIS party-list, FPJ Panday Bayanihan 4.17%, Asenso Pinoy- 2.45%, Senior Citizens -2.28%, TGP – 2.05%, at Agimat -2.00%.
Ang naturang SWS survey ay nilahukan ng 1,800 adult respondents sa buong bansa, at may margin of error na plus o minus 2.31%.