dzme1530.ph

47% ng mga Pinoy, “competent” o may kakayahan sa wikang Ingles

Halos 50% ng mga Pilipino ang competent o may kakayahan sa wikang Ingles, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Sa March 26-29 SWS Survey na nilahukan ng 1,200 adult respondents, lumitaw na 47% ng mga Pinoy ang mayroong abilidad na mag-isip sa ingles habang 80% ang nakakaiintindi ng spoken at written English.

Lumabas din sa survey na 69% ang nakapagsusulat habang 55% ang nakapagsasalita ng Ingles at 9% naman ang hindi ginagamit ang anuman sa naturang skills. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author