Naniniwala ang 46% ng mga Pilipino na nanatili ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12- buwan.
Sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong March 26 hanggang 29 sa 1,200 adult respondents, 29% naman ang nagsabi na bumuti ang kanilang buhay sa nakalipas na isang taon, habang 25% ang sumagot na lumala lang ito.
Itinuturing naman ng SWS na mataas ang nakuhang iskor na +5 ng net gainers o ang mga nagsabi na gumanda ang kalidad ng kanilang buhay, ngunit mas mababa ito ng 3 points sa +8 noong December 2022.
Iniiugnay rin ng Research Company ang positibong bilang sa pagluluwag ng COVID-19 restrictions.