dzme1530.ph

45 estudyante, nanghina matapos makakain ng maruya na may halong tawas

45 mag-aaral ang nahilo, nanghina at nagsuka makaraang kumain ng maruya na nahaluan ng tawas, sa halip na asukal, at ibinenta sa kanilang paaralan sa M’lang, Cotabato.

Nasa 15 pang estudyante ng Palma Perez Elementary School ang patuloy na inoobserbahan matapos ang insidente.

Sinabi ni Dr. Glecerio Sotea ng M’lang Municipal Health Office na kumpirmadong tawas ang nagamit sa pagluto sa maruya na isinilbi sa mga mag-aaral pagsapit ng kanilang recess.

Inihayag naman ng principal ng paaralan na may permit para makapagbenta ng pagkain mula sa kanila ang vendor na nagsabing hindi nito sinasadya ang pangyayari at humingi na rin ng paumanhin sa mga naapektuhang estudyante.

About The Author