Itatalaga ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang nasa 45 bagong graduate ng Comprehensive Air Traffic Service (CATS) Batch 15 ang kumuha sa posisyon ng Air Traffic Management Officers (ATMOs) sa iba’t ibang Air Traffic Service Facilities sa bansa.
Ang CATS Course ay isang taunang programa na inilunsad ng CAAP bilang tugon sa tumataas na pangangailangan para sa air traffic controllers sa mga paliparan sa bansa.
Layunin din nitong mag-recruit ng mga kabataan na kalalakihan at kababaihan na sasali sa piling linya ng mga ATMO ng bansa.
Ang kurso ay ipinatupad alinsunod sa New Generation of Aviation Professionals (NGAP) Initiative ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
na naglalayong tugunan ang pandaigdigang kakulangan ng mga propesyonal sa aviation at upang matiyak ang napapanatiling paglago ng industriya ng aviation.
Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na ang kursong CATS ay nagbibigay ng malawak na pagsasanay para sa mga air traffic controllers at idinisenyo upang bigyan sila ng kinakailangang mga kasanayan at kaalaman upang mahawakan ang hinihinging trabaho ng pamamahala ng trapiko sa himpapawid. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News