Apat sa bawat sampung Pilipino ang naniniwalang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa pag-aaral na isinagawa noong March 21 hanggang 25, 2024, 44% ng mga Pinoy ang nagsabi na positibong bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na isang taon.
44% naman ang nagpahayag na walang magbabago sa kanilang pamumuhay; 7% ang naniniwala na mas lalala lang ang sitwasyon ng kanilang buhay sa mga susunod na buwan; habang 6% ang hindi tumugon sa survey.
Naitala sa +37 ang net personal optimism score na ikinukunsidera ng SWS bilang very high, subalit pinakamababang net optimism score na naiulat sa ilalim ng Marcos administration.