May kabuuang 44 na dating miyembro ng dating New people’s Army (NPA-CPP-NDF) ang nagbalik loob sa pamahalaan.
Ang 27 ay nag withdraw mula sa grupo ng Communist Front Organizations (CFO) habang ang 17 dito ay Active Members ng Communist Terrorist Groups (CTG).
Bilang patunay ng kanilang pagtalikod sa dating samahan ng New people’s Army ibinaba ng mga ito ang kanilang matataas na kalibre na mga mahabang armas, mga improvise explosive device mga bala mga magazine, hand grenade at iba pa.
Matapos ang panunumpa ipinakita din ng mga dating miyembro ng CTG ang pagpunit ng bandila ng NPA.
Ang nasabing mga surrenderers ay iniharap kay NCRPO Chief PMGen. Edgar Alan Okubo dito sa NCRPO Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, kung saan sila pinagkalooban ng mga groceries at bigas mula sa NCRPO at DSWD. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News