dzme1530.ph

40TH ANNIVERSARY NG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION, GENERALLY PEACEFUL, AYON SA PNP

Loading

Generally peaceful ang naging pagdiriwang ng 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, ayon sa PNP.

 

Sa kabila ito ng pag-aresto sa dalawang raliyista matapos hagisan ng mga bato ang mga pulis at nagdulot ng gulo sa Southbound Lane ng EDSA patungong EDSA Shrine  kahapon.

 

Nilinaw ni Police Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., acting director ng PNP directorate  for operations, na hindi hinarangan ng mga awtoridad ang mga nagra-rally, kundi inaayos  lamang nila  ang  trapiko upang  maiwasan ang pagsisikip ng mga sasakyan sa kalsada.

 

Nahaharap ang isang lalaki at isang babae sa mga kasong direct assault, resistance and disobedience to a person in authority, alarm and scandal, violation of the public  assembly act.

 

Samantala, tatlong pulis naman ang nasugatan sa naturang insidente, na pawang nagtamo ng minor injuries, gaya ng gasgas, kalmot, at pasa.

About The Author