Inaasahang darating sa bansa ang 4,000 metriko tonelada ng puting sibuyas sa susunod na linggo.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Deputy Spokesman Rex Estoperez, hindi na kailangan na mag-isyu ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., o ni Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban ng special order para sa pag-a-angkat ng sibuyas.
Sinabi ni Estoperez na kailangan lamang ng Bureau of Plant Industry (BPI) na mag-isyu ng sanitary at phytosanitary import clearance sa mga importer na nais mag-angkat ng sibuyas.
Batay sa imbentaryo ng BPI, ang bansa ay mayroon na lamang stock ng puting sibuyas na pang-30 araw habang ang pulang sibuyas ay kaya pang umabot ng hanggang 100-araw. —sa panulat ni Lea Soriano